Nakakaaliw na ibinahagi ng online personality at vlogger na si Benedict Cua ang pagkakabuking niya sa inihandang dapat ay surpresang birthday party ng mga kaibigang online stars.

“Magbi-birthday na ‘ko in two days pero may nararamdaman akong weird. Supposedly, may shoot ako today kaso wala pa akong naririnig na mga balita,” pagbabahagi ni Benedict sa isang Instagram video, Lunes.

Sunod na ibinahagi ng vlogger ang pagdedma rin ng mga kaibigan sa kaniyang messages.

“E papunta na kami sa Subic, feel ko may nangyayari talaga eh. Nag-message din ako sa mga friends ko kaso ‘di sila nagreply kagabi so dinededma nila ako,” sabi ni Benedict.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Lalong lang aniya nakumpirma ang pinaplanong birthday surprise nang madulas ang kaniyang mommy na papunta rin ng Subic ang kapatid na doktor at kapwa vlogger na si Jerry Cua.

“Ngayon nadulas yung nanay ko sabi niya, ‘Bakit pupunta ng Subic si Jerry?’” kuwento ni Benedict na sinakyan niya din aniya sinabing kasama niya ang kapatid sa shoot kahit siya lang ang may schedule noong araw na iyon.

Sunod na ipinakita ni Benedict ang nakakaaliw na pag-eensayo pa niya para magmukhang magugulat talaga sa nabuking nang party ng mga kaibigan para sa kaniya.

Masaya namang sinalubong si Benedict sa yacht party na inihanda ng online personalities at mga kaibigan kabilang sina Marvin Fojas, Pham Swing, Kyo Quijano at Luigi Pacheco, bukod sa iba pa.

Si Benedict ay 30-taong gulang na ngayong taon.