Isa sa mga dumalo at umeksena sa isinagawang makasaysayang inagurasyon kay Vice President Sara Duterte si Jayson Ormo o mas kilala bilang 'Saraul', na ginanap sa San Pedro Square sa Davao City, Hunyo 19, hapon ng Linggo.

Si Saraul ay sumikat dahil sa pagiging impersonator ni VP Sara.

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Hunyo 20, ay ibinahagi ni Saraul ang kanilang mga litrato ni VP Sara.

"To our dear VP Inday Sara, my biggest respect for seeing in you the importance of practicing humility," aniya.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

"I have a long way to go still, but I will always remind myself each day just how small I am and improve myself to become a better person… Daghang salamat for this once-in-a-lifetime opportunity. Nahimo kong pambansang SARAUL tungod nimo ug tungod sa imong pagtuo gamay nga anggid ta (I have a long way to go still, but I will always remind myself each day just how small I am and improve myself to become a better person… Thank you for this once-in-a-lifetime opportunity. Naging pambansang SARAUL po ako ng dahil sa inyo at sa kaunting paniniwala na magkahawig po tayo).

Gagawin daw ni Saraul ang lahat upang hindi madungisan at mapangalagaan ang pangalan ng kaniyang ini-impersonate sa loob pa ng 6 na taon

"This is such an amazing power of humility po… Tumanon nako imong sulti nga magtarong kog dala2 aning nawnga sulods 6 ka-tuig ug dili tika pakaulawan (This is such an amazing power of humility po… Gagawin ko po ang lahat kagaya po ng sinabi ninyo na pangangalagaan at bibigyan ko ng dangal ang mukhang ito sa loob ng 6 na taon)."

"May the graces of God be always with you so we could have a better Philippines…" aniya pa.

Sa dulo ng FB post ay pinasalamatan ni Saraul ang kaniyang "glam team".

"Thank you, Paul Ryan Estrera Anacleto of ANACLETO ATELIER for making me pretty with my wardrobe, a pride from my beautiful province of Davao Oriental."

"To my make up artist Shemmy Collins thank you for your magical brushes for always making me beautiful always. To my hairstyles Nhad Petalcorin Muñoz thank you so much sa makanunayong blower ug plantsa (To my hairstylist, Nhad Petalcorin Muñoz, thank you so much sa walang sawang pagboblower at plantsa). I love you guys!"

Sa dulo ay ginamit niya ang hashtags na #SARAUL #mahalinnatinangbansangpilipinas #VPIndaySaraISDAbestchoice2022.