Isang Mega Job Fair ang inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila nitong Lunes para sa lahat ng mga kababayan nating naghahanap ng trabaho.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ginanap ang "Manila Day 2022 Mega Job Fair"  nitong Lunes, Hunyo 20, 2022, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa Arroceros Forest Park, Ermita, Manila.

Ang aktibidad, na personal ding dinaluhan ni Vice Mayor at Mayor-elect Honey Lacuna, ay bahagi nang pagsisimula ng isang linggong programa para sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila na idaraos sa Biyernes, Hunyo 24.

Iniulat ni public employment service office (PESO) chief Fernan Bermejo na nasa 15,000 na job vacancies mula sa 70 partner companies ang pinagpilian ng mga aplikante.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

“The PESO is a non-fee charging multi-dimensional employment service facility or entity established in all Local Government Unit (LGUs) in coordination with the Department of Labor and Employment (DOLE)," ani Bermejo.

Matatandaan na pinapurihan ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac ang PESO-Manila para sa kahanga-hangang commitment at hindi matatawarang suporta sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng OWWA.

Pinuri din nito ang pagsusulong ng kapakanan at interes ng mga OFWs at kanilang mga pamilya.