'Ito na sign para tumaya ka ng lotto!'

Wala pa ring sinuwerteng magwagi ng mahigit sa ₱219 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, na kapwa binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Gayunman, isang taga-Batangas ang mapalad na nakapag-uwi ng₱5.9 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42

Sa paabiso ng PCSO nitong Linggo, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 08-15-11-23-36-33 ng Lotto 6/42 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot na₱5,940,000.00.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ito na ang ikatlong sunod na araw, at ikaapat naman ngayong buwan ng Hunyo, na napanalunan ang milyun-milyong jackpot prize ng lotto.

Nabili umano ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa Taal, Batangas.

Upang makuha naman ang kanyang premyo, kinakailangan lamang ng lucky bettor na magtungo sa PCSO main office sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong identification cards.

Samantala, wala pa ring pinalad na magwagi ng₱219,236,988.40 na jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 matapos na walang makahula sa six-digit winning combination nito na 48-55-21-05-18-52.

Dahil dito, inaasahang lalo pang madaragdagan ang naturang premyo sa susunod na lotto draw.

Patuloy namang hinihikayat ng PCSO ang publiko na tangkilikin ang kanilang lotto games upang magkaroon na ng tiyansang maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang Lotto 6/42 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Sabado, habang ang Grand Lotto 6/55 naman ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.