Mula sa kampanya, proklamasyon, at ngayo'y inagurasyon, hindi nawala sa tabi ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio ang kaniyang UniTeam partner na si President-elect Bongbong Marcos, Jr.

Niyakap ni VP-elect Duterte si Marcos nang sumampa ito sa stage para sa photo opportunity, kasama ang asawa ng huli na si Liza Araneta-Marcos, anak na si Sandro Marcos, at kapatid na si Senador Imee Marcos.

Walang naganap na pag-uusap sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Marcos, gayunman, makikita naman na kinausap ng president-elect si Elizabeth Zimmerman, ina ni Duterte-Carpio.

“I’m so proud of her [Sara],” anang president-elect sa mga mamamahayag bago ito umalis.

"She’s going to be great, she’ll do a great job. I know it,” dagdag pa niya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Sina Marcos at Duterte ay manunungkulan sa Hunyo 30, 2022.