ALAMINOS CITY, Pangasinan – Patay ang isang 46-anyos na foreman sa banggaan ng motorsiklo at commuter van sa national highway sa Barangay Magsaysay, Sabado, Hunyo 18.

Sinabi ng pulisya na ang biktimang si Francisco Cabanayan Jr., ng Steady Ready, Sta. Rosa, Concepcion, Tarlac, minamaneho ang kanyang itim na Honda TMX 125 na motorsiklo nang bumangga ito sa isang silver metallic Toyota Hi-Ace commuter van na minamaneho ni Even Moreno, 39, ng San Fernando Victoria, Tarlac City dakong alas-10:30 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, biglang na-encroach ni Cabanayan ang lane ni Moreno at bumangga sa van.

Ang dalawang driver ay dinala ng mga rescuer ng Alaminos City at mga rumespondeng pulis sa Western Pangasinan District Hospital dito kung saan idineklara si Cabanayan na dead on arrival ng attending physician. Na-confine si Moreno sa ospital dahil sa mga pinsala.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20