Isang masayang kasalan ang naganap sa isang simbahan sa Lipa City, Batangas dahil bukod sa seremonya ng pagsasama habambuhay, ikinamangha rin ng bagong kasal ang rebelasyon ng paring nagsagawa nito, na matagal na pala silang nagkrus ang mga landas.

Bago pa man daw magkakilala ang dalawa noong 2017, nahulog sa isa't isa, at nagdesisyong mag-isang dibdib ay nag-krus na pala ang landas nina Mr. and Mrs. Marlon and Ken Loyce Panaligan sa kanilang bayan, ayon mismo kay Father Rodem Ramos na siya ring nagsagawa ng seremonya ng binyag sa kanilang dalawa, noong 2000!

"๐—ฆ๐—ข๐—•๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฎ!" ayon sa Facebook page ng Parish of Sto. Niรฑo de Lipa.

"Noong tinanong ni Father kung kailan sila unang nagkita ay sumagot agad ang dalawa ng '๐—ก๐—ข๐—ฉ๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿญ๐Ÿณ' po. Biglang sinabi ni Father na HINDI TOTOO!"

Human-Interest

BALITrivia: Ang โ€˜I Love Youโ€™ na nagbigay ng trauma sa halip na kilig noon

"BAKIT??? Sapagkat hindi totoo na 2017 lang sila nagkita kasi base sa kanilang ๐—•๐—”๐—ฃ๐—ง๐—œ๐—ฆ๐— ๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—™๐—œ๐—–๐—”๐—ง๐—˜, ๐—ก๐—ข๐—ฉ๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ sila sabay na nabinyagan ni Fr. Rodem Ramos!"

"Ang GALING talaga ng timing ng DIYOS!"

Nanawagan ang pari na ipagdasal ang pagsasama ng mag-asawa.