Isang taga-Metro Manila ang pinalad na makapag-uwi ng mahigit₱103 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes ng gabi.

Sa paabiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang winning combination na 10 - 12 - 02 - 27 - 03 – 18 kaya’t napanalunan niya ang katumbas na jackpot prize na₱103,269,281.60.

Nabili umano ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa Malabon City.

Upang makubra naman ang kanyang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong ID sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Eleksyon

'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila

Samantala, mayroon rin namang 122 mananaya ang nagwagi ng second prize sa Mega Lotto 6/45 na tig-₱32,000.00 para sa limang tamang numero; 5,268 ang nakakuha ng third prize na tig-₱1,000.00 para sa tig-apat na tamang numero at 64,507 mananaya ang nakakuha ng balik-taya o tig-₱30.00 para sa tig-tatlong tamang numero.Wala namang pinalad na makapag-uwi ng jackpot prize na₱49,500,000.00 ngUltra Lotto 6/58na binola din nitong Biyernes ng gabi, at may winning combination na 26 - 06 - 43 - 40 - 12 – 04.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang Ultra Lotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.