Masaya at kuntento na ang vlogger at entrepreneur na si Viy Cortez sa buhay nila ng kaniyang nobyong si Cong TV. 

Para sa kanilang 7th anniversary, may mensahe si Viy sa ama ng kaniyang anak. 

"Walang espesyal na handa wala sa espesyal na lugar di nakaayos walang magagandang regalo pero sobrang saya at kuntento ko sa ano mang meron tayo mahal lalo na paparating na ang anak natin," sey ni Viy sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Hunyo 17. 

Labis din ang pasasalamat ng soon-to-be mom sa kaniyang partner.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Maraming salamat sa pitong taon mahal lagi mo sakin pinaparamdam na ako lang sapat na sapat na. Happy anniv mylove sa mga susunod na anniv natin may tabachingching na bata na tayong kasama," dagdag pa niya.

Kamakailan lang din ay ipinakita ni Viy ang sonogram na kanilang baby na si Kidlat.

Makikita ang cute na cute at matabang pisngi nito.

“Mukhang kailangan pa namin magsikap ng daddy mo anak.. mukhang iiyak ka pag wala tayong mga nakatagong pagkain sa ref hahahahalove you anak see you soon,” ani Viy.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/viy-cortez-ipinakita-ang-sonogram-ng-kanilang-baby-kidlat/

Samantala, isa sa mga ninang ng kanilang anak ay ang TV host at actress na si Toni Gonzaga na kamakailan ding nagpadala ng regalo.

“Dearest Kidlat, excited na ang lahat na ma-meet ka! May you grow up blessed, favored and loved always. Hope to see you soon!” mababasa sa mensahe ng actress-host.

Laman ng tatlong gift boxes ang ilang baby care kits kabilang ang birth cloth, personalized bag, mga kumot, lamp, bukod sa iba pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/08/ninang-toni-gonzaga-nagpadala-ng-mga-regalo-kay-baby-kidlat-viy-cortez-kinilig/