Dahil parehong aktibo sa showbiz sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, nanghihinayang ang talent manager na si Manay Lolit sa naging pagsabog ng aktres dahilan para maging “cheating man” na ang imahe ng aktor.

May sey ang beteranang showbiz insider sa diretsahang pagsagot ni Carla sa isang intribidang netizens kung saan tinawag ang aktres na isang “ipokrita.”

“Nauwi sa ugly word war ang hiwalayan nila Tom Rodriguez at Carla Abellana, Salve. Bongga iyon mga reveal ni Carla tungkol sa naging relasyon nilang mag asawa. Hindi mo aakalain na ganuon ka grabe pala ang naging experience niya sa pagsasama nila. Iyon emotional abuse na sinasabi niya, hindi mo aakalain magagawa ni Tom,” sey ni Manay Lolit.

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang ilang buwang pananahimik ay walang prenong inilahad ni Carla kamakailan ang dinanas na “sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil” kay Tom sa loob ng pitong taon nilang relasyon.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Basahin: Basahin: Carla, sumabog na; binasag ang katahimikan tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Tom – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nanghihinayang naman si Manay Lolit sa magiging epekto nito sa career ng dalawa na parehong aktibo sa showbiz.

“Sayang dahil mas maganda na sana na naging tahimik ang lahat dahil pareho silang active pa sa showbiz,” sabi ni Manay.

Dahil sa mga pagbubunyag ni Carla, isang imahe na nakakabit sa pangalan ng aktor.

“Hindi mo ngayon ma imagine na tignan sa ibang image si Tom after ng reveal ni Carla. Ang ganda pa naman na aakalain mo na perfect gentleman si Tom pero now, para na siyang isang cheating man,” aniya.

“Sabi nga, hell has no fury like a woman scorned, kaya siguro naging tutoo sa kanyang reveal si Carla,” dagdag ng showbiz insider.

Hangad naman ni Manay ang “best” para sa dalawang Kapuso artists.

Basahin: GMA Network, hangad ang mapayapang resolusyon sa pagitan nina Carla at Tom – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid