Inalala ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza ang pagsuko niya noong 2018 sa Malabon Police dahil sa umano'y investment scam.

Binalikan ito ni Gaza dahil na rin sa mga balita tungkol sa nanagasangSUV driver na kasama ang mga magulang at abogado nang sumuko ito sa PNP.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Hunyo 16, nag-upload si Gaza ng larawan ng SUV driver na si Jose Antonio Sanvicente kasama ang mga magulang nito at abogado. Kasama rin sa inupload niya ang kaniyang mga larawan sa loob ng police station.

"NO PARENTS. NO ABOGADO. SUMUKO SA PUBLIKO. HINARAP MAG-ISA ANG KANYANG MGA ATRASO. GANYAN ANG TUNAY NA LALAKI," saad ni Gaza sa caption.

Sa hiwalay na Facebook post naman, ibinahagi ng self-proclaimed Pambansang Marites kung ano nga ba ang naging kaso niya noon.

"Nag-issue ako ng 11 post-dated checks tapos walang pondo kaya tumalbog lahat. That's it. Ganun lang kababaw. It's not even a crime sa abroad. Inexaggerate lang talaga sa social media," sey niya.

Sa comment section, ipinagpatuloy ni Gaza kung ano nga ba ang umano'y katotohanan. Aniya, apat na araw matapos mag-viral ang kaniyang coffee date billboard para kay Erich Gonzales, nakilala umano siya bilang scammer sa Pilipinas dahil sa apat na tao. Kabilang dito ang nanay ng artistang si Ella Cruz.

"Una, nanay ni Ella Cruz. Iniscam ko daw ang kanilang pamilya kahit hindi naman talaga. Sa katunayan eh higit 300K pesos ang napakinabangan nila sa akin in 3 months time. Hindi ko madepensahan ang aking sarili kasi sino ba naman ako? Sino'ng maniniwala sa akin eh nanay yun ng isang sikat na artista. From that day eh sinumpa ko sa aking sarili na magiging sikat din ako balang araw kagaya ng mga artista.

"Second, isang babaeng influencer from Davao ang nagsabi sa Twitter na iniscam ko daw siya at marami pang iba kahit hindi naman talaga. Tamang sakay lang sa virality ko that time. Parasite lang daw ako ng mga famous personalities kagaya ni Ella Cruz, Liza Soberano at Ogie Diaz. Walang naniwala sa paliwanag ko kasi wala akong social media followers unlike niya.

"Pangatlo, yung founder ng Filipino Vines page. Iniscam ko daw siya kahit 1.6 million pesos ang napakinabangan niya sa akin in 9 months time bilang financer ng kanyang negosyo. Walang naniwala sa akin. Sino ba naman ako?

"Fourth, isang mayamang lalaki ang nagsabi na iniscam ko daw siya kahit hindi naman talaga. Na-delay lang ng isang buwan yung bayad ko sa kanya. Yung 200K niya ay naging 230K, tumubo pa siya actually. Walang naniwala sa kwento ko dahil isa akong hampaslupa tapos siya ay maraming pera. From that day eh sinumpa ko sa aking sarili na balang araw ay magiging milyonaryo ako at mas mayaman sa kanya," kuwento ni Gaza.

Sinabi rin niya, ginamit niya ang mga umano'y isyu na ipinukol sa kaniya bilang stepping stone para magtagumpay sa buhay.

"Sobrang tindi ng hugot ko for the past 4 years. Yung mga bato na ipinukol nila sa akin ang siyang ginamit ko as stepping stone to where I am today. Yung matinding paninira na ginawa nilang apat sa akin ang naging primary source of motivation ko upang magtagumpay sa buhay," sey niya.

"Nakapaghiganti ako sa paraan na yung sarili ko ang nakinabang. Tinrabaho ko na palakihin ang aking sarili and powerful enough upang hindi na ko masiraan pang muli.

"Kung may naninira sayong tao at ang puso mo ay punong-puno ng paghihiganti ngayon, always remember that the best revenge is massive success."