Binawian ng buhay ang isang 11-anyos na paslit, ilang araw matapos itong pagsusuntukin ng isang 14-anyos na menor de edad na aksidente umanong natamaan nito sa bayag habang naglalaro ng basketball sa Tanay, Rizal, nabatid nitong Huwebes, Hunyo 16.

Ang biktimang itinago sa pangalang 'Josh,' 11, ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa Rizal Provincial Hospital sa Morong, Rizalhabang at large pa naman ang 14-anyos na suspek na itinago sa pangalang ‘Jun.’

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, dakong alas-12:30 ng tanghali ng Hunyo 5, 2022 nang maganap ang insidente sa Sitio Bathala, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal.

Naglalaro umano ang biktima at ang suspek ng basketball nang aksidenteng tamaan ng biktima ang bayag ng suspek, na ikinagalit nito.

Eleksyon

'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila

Nauwi ang insidente sa pagtatalo hanggang sa pagsusuntukin ng suspek ang biktima, na nagresulta sa pagkasugat nito.

Matapos ang tatlong araw, dumanas umano ng matinding pananakit ng kaliwang dibdib at braso ang biktima sanhi upang isugod na ito sa pagamutan, ngunit binawian din ng buhay dakong alas-6:15 ng gabi ng Miyerkules, Hunyo 15, 2022.