Naharang ng mga awtoridad ang 2,358,000 na halaga ng cocaine na isiniksik sa spare parts ng motorsiklo nang tangkaing ipadala sa Hong Kong kamakailan.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ang nasabing package nia naideklara bilang motorcycle muffler, brake pads at radiator hose ay ipapadala sana sa Hong Kong.

Gayunman, idinaan muna ito sa X-ray machine kung saan natuklasang naglalaman din ito ng 445 gramo ng iligal na droga.

Binanggit ng BOC na malaki ang naitulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Drug Interdiction Task Group (NAIA-DITG) sa pagkakadiskubre ng iligal na droga.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy at maaresto ang nasa likod ng sindikato.