Inaabangan na ng masugid na Pinoy pageant fans ang nalalapit na Miss Universe competition ng kapitbahay na bansang Thailand.

Parehong avid fans ng Miss Universe competition ang Thailand at Pilipinas.

Dahil dito, parehong Thai at Pinoy fans ang nag-aabang kung sino ang delegada ng dalawang bansa sa prestihiyusong kompetisyon.

Sa katunayan, ilang Thai pageant fans ang nag-abang sa enggrandeng coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 noong Abril.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa nalalapit na national pagean ng Thailand, dalawang kumpirmadong aplikante na ang umagaw sa atensyon ng Pinoy fans.

Tampok kamakailan sa dalawang magkahiwalay na Facebook posts ng pageant page na Pageanthology sina Renee Renita Veronica Pagano at ang aktres na si Anna Sueangam-iam.

Sa mga larawan, napansin ng Pinoy fans ang tila pagkakahawig umano ng dalawa sa ikaapat na Pinay Miss Universe na si Catriona Gray.

Dahil dito, inabot ng pagtatalo ang magkahiwalay na Facebook posts kung saan ilang Pinoy ang nagparatang pa sa umano’y panggagaya sa styling at awra ni Catriona nang sumali ito sa Miss Universe noong 2018.

Ilang Pinoy fans naman ang positibo at excited sa national pageant ng kapitbahay dahil sa kalibre ng mga kandidata ngayong taon.

Kasalanan ba nya na medyo hawig siya Kay Catriona??? Iba Yung nanggagaya sa kamukha🙄Wala pa man din sinasabihan nyo nang copycat.”

“A perfect representation of Thai Beauty jusko mga Pinoy sasabihin niyo namn copycat hahahha makacopy ba ang mukha mga shunga!”

“Dyosaaaa!!”

“Gwaapaaaa. Pero heavy contender pa din si Celeste natin she's the one to look out for.”

Umaarangkada na ang pre-pageant events ng Miss Universe Thailand.

Sa Pilipinas, si Celeste Cortesi ang manok ng pageant powerhouse sa Miss Universe 2022.