Inaprubahan ng China ang $350-million loan ng Pilipinas para sa pagtatayo ng P19.32-billion Samal Island-Davao City Connector (SIDC).

Nagpalitan sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Finance Secretary Carlos Dominguez III ng nilagdaang framework at loan agreement para sa 3.86-kilometrong inter-island bridge na mag-uugnay sa Samal Island at Davao City.

“The first cross-sea bridge that the Davaoeno people have long dreamed of will come true!” ani Huang nang ianunsyo ang pagkakaapruba ng utang nitong Lunes, Hunyo 14.

Aniya, magbibigay ang gobyerno ng China ng concessional loan na humigit-kumulang 350 million US dollars sa gobyerno ng Pilipinas para tustusan ang proyekto.

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

Ang tulay ay magdudugtong sa Davao City at Samal Island sa kabila ng Pakiputan Strait.

“Once completed, this bridge will provide a resilient and reliable transportation link between Davao City and Samal Island, improving transportation efficiency, promoting internal mobility, and stimulating tourism potential,” ani Huang.

“Also, during the construction, thousands of jobs would be created, contributing to local economic recovery and improving people’s livelihood,” dagdag niya.

Sinabi rin ng envoy ng Tsina na ang proyekto ay "magsisimula sa lalong madaling panahon."

Ang proyekto ng tulay ay kabilang sa mga malalaking proyektong pinag-isipan sa ilalim ng programang imprastraktura ng Build, Build, Build.

Ang pagpirma ng kontrata para sa detalyadong disenyo ng engineering nito ay naganap noong Enero 2021. Sumunod ang aplikasyon para sa loan agreement.

Betheena Unite