Proud na ibinahagi ni re-elected Mayor Vico Sotto ang isang tagumpay ng lokal na pamahalaan ng Pasig City.

Pasado sa 2021 Good Financial Housekeeping ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pinamumunuang lungsod ni Sotto.

Ang GFH ay iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na nasuri na may “financial transparency, at fiscal accountability.”

Kasama sa mga lungsod na ginawaran ng DILG ang Las Pinas, Makati, Muntinlupa, Quzon City, Pasay at ang Pasig.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Larawan mula Pasig Mayor Vico Sotto/via Facebook

“We are very proud of this! Salamat sa mga masisipag nating kawani ng LGU,” saad ni Sotto sa kanyang Facebook post, gabi ng Lunes.

Nagpahayag naman ang alkalde ng agam-agam na makukuha ng lungsod ang Seal of Good Local Governance na parangal sa dahil sa ilang dahilan.

“We pass most indicators, but some of our funds are underutilized. A good problem to have-- because of our LGU cleanup, we saved a lot; now we work on using these extra funds,” aniya.

Ang alkalde ay muling nahalal noong May 2022 elections para sa kanyang ikalawang termino.