Viral ngayon sa TikTok ang wedding proposal ng isang binatilyong edad 19-anyos lang sa kanyang kasintahang 76 taong gulang na lola.

Proud na ibinahagi ni Guisepoe D’Anna sa kamakailang TikTok video ang kanyang naging paghahanda sa kanyang proposal sa kasintahang ang pangalan ay hindi ibinulgar sa publiko.

Sa video, ipinakita ng binatilyo ang kanyang paghingi sa kamay ng kasintahang lola para sa isang kasal.

Sunod na makikita ang magarbong singsing at mga regalong ibinigay ng binatilyo sa kanyang future wife.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“This is only the beginning of a long relationship,”mababasa sa English translation ng ilang salita sa video.

Bagaman hindi pa ito nakukumpirmam ang binatilyo ay pinaniniwalaang isang Portuguese decent.

Dahil sa layo ng agwat ng edad ng binatilyo at ng lola, naging tampulan ang TikTok video ng mga parehong namangha, naguluhan at hindi sang-ayong netizens sa relasyon ng dalawa.

“She could be his grandma 😭,” komento ng isang netizen.

“What’s with people falling in love with people twice their age 💀” tanong ng isa pang netizen.

“I’m done with 2022.💀🥹”

“I thought it was a joke!”

“I think you guys took it a little too serious when you all said you like older girls!”

“I say it’s better to keep these types of relationships private and not public,” talak ng isa namang TikTok user sa hindi umano kapani-paniwalang relasyon.

Kasalukuyang tumabo na sa mahigit 74-M views ang naturang TikTok video.

Aktibo rin ang binatilyo sa pagpapasilip sa ngayo’y public relationship na nila sa nasabing social media platform.