'ATE SANDALI THE ALBUM OUT NOW!'

Muling pinahanga ng aktres at recording artist na si Maris Racal ang kanyang fans sa bagong nitong album na 'Ate Sandali,' na inilabas niya noong Hunyo 11.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

"Sobrang special sakin ng mga kantang to. Sana mapakinggan niyong lahat. Thank you @balconyentph and @sonymusicphl sa suporta," pagpapasalamat ni Maris sa kanyang Instagram post.

Tampok sa kanyang sophomore album ang walong kanta na Ate Sandali, Di Papakawalan, Asa Naman, Not For Me, Pumila Ka, Kahit Na Anong Sablay, Carelessly, at Laro Laro Laro.

Ang kantang 'Di Papakawalan' ay co-written at ginawa ni Rico Blanco, ang kasintahan ni Maris. Ito ang kanyang pangalawang single ng taon kasunod ng 'Pumila Ka' noong Enero, at isasama rin sa kanyang album.

Hunyo 9 naman nang ilabas ni Maris ang ‘Laro Laro Laro,' na ayon sa kanya, ay tungkol sa pagmamahal sa isang tao nang tuluyan.

"My new single is about loving someone through and through. It's a song that says - no matter how uncertain life is, one will always be certain of the other. That if life is a game, the two will always be a team," ani Maris sa kanyang Instagram post.