Matapos ang pinag-usapang hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez ay muling nagbabalik sa kanyang gitara ang singer-songwriter para sa isang brand new song.

Trending agad sa YouTube mula nang i-upload noong Huwebes ang official lyric video ng “Kumpas”, isang kanta na unang ipinarinig ni Moira at Jason noong Marso para sa long-time couple na sina Kathryn Bernando at Daniel Padilla.

Ang kanta ay kalauna'y naging official sound track (OST) ng bagong serye ng Kapamilya power couple na "2 Good 2 Be True.".

Hindi naman maiwasang iugnay ng netizens ang kanta sa kasalukuyang pinagdaraanan ng singer-songwriter na anila'y pasasalamat sa gabay pa rin na binigay ng Diyos kay Moira sa kabila ng sakit na dinaramdam nito ngayon.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Matatandaan ang naging pag-amin ni Moira sa isang panayam kamakailan na sinisi niya rin ang sarili sa kinahantungan nila ni Jason.

Gayunpaman, natutunan din anang singer na maaari pa lang matagpuan ang paghilom kahit sa gitna ng pagdadalamhati.

“I’m in a season na hindi ko nakita. Mahilig kasi ako magplano, kumbaga wala ‘to [hiwalayan] sa plano. Pero ang galing kasi dito ko po natutunan na mabait talaga si Lord, kasi dito ko nakikita na pwede pala magsabay yung grieving pati yung healing na parte pala ng grieving yung healing; na pwede pa rin pala ako maka-experience ng joy sa umaga kahit umiiyak ako sa gabi. Pwede pa rin pala ako maka-experience na mahanap ko ulit yung sarili ko kahit nawawala ako sa gabi,” pagbabahagi ni Moira sa isang panayam sa programang Magandang Buhay.

Tila ito umano ang inspirasyon ni Moira sa kantang Kumpas na may mga salitang:

“Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw

Ikaw ang kulay sa langit na bughaw

 Sa bawat bagyo na dumadayo

 Ikaw ang kanlungan na kailangan ko

Kahit hindi mo alam Ilang beses mo akong niligtas

 Ikaw ang hantungan, at aking wakas”

Kumpas, Moira Dela Torre (2022)

Isang kanta naman ang inaabangan na ngayon ng fans na isinulat ni Moira kasunod ng hiwalayan nila ni Jason.

Basahin: Moira Dela Torre, may isinulat na kanta kasunod ng split nila ni Jason – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, ang Kumpas ay napakinggan na sa YouTube ng mahigit 450,000 beses at nananatili itong number 9 trending for music sa nasabing video platform sa pag-uulat.

Isang Tiktok video rin ang inilabas ni Moira habang tinutugtog at kinakanta ang bagong single.

Ito ay tumabo na ng mahigit 5.3 million views habang sinusulat ang showbiz chika na ito.