Gaganap na Irene Marcos ang aktres na si Ella Cruz sa pelikula ni Darryl Yap na 'Maid in Malacañang.'

Si Irene Marcos ang pangatlong anak nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Marcos.

Nauna nang inanunsyo ang mag-amang sina Diego Loyzaga at Cesar Montano bilang batang Bongbong Marcos Jr. at dating Pangulong Ferdinand Marcos, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/09/cesar-montano-gaganap-na-marcos-sr-anak-na-si-diego-loyzaga-si-bongbong-naman/

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Ipinakilala na rin ang gaganap na dating First Lady na si Imelda Marcos sa katauhan ng aktres na si Ruffa Gutierrez.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/04/ruffa-gutierrez-gaganap-na-imelda-marcos-sa-pelikulang-maid-in-malacanang/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/04/ruffa-gutierrez-gaganap-na-imelda-marcos-sa-pelikulang-maid-in-malacanang/

Samantala, ang celebrity mom na si Cristine Reyes naman ang gaganap na batang Senador Imee Marcos.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/10/christine-reyes-gaganap-na-batang-imee-marcos-sa-maid-in-malacanang/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/10/christine-reyes-gaganap-na-batang-imee-marcos-sa-maid-in-malacanang/

Ang pelikulang ito ay magpapakita ng “the last 72 hours of the Marcoses inside the Palace through the eyes of one reliable source.” Ang magiging panahon ng tagpuan ay noong 1986.

Hindi pa nire-reveal kung sino ang gaganap na ‘Maid in Malacañang’ ngunit matunog ang pangalan nina Toni Gonzaga at Juliana Parizcova Segovia na posibleng gumanap dito, batay sa usap-usapan sa social media.