Makikita na muli ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice ang kanilang ama na isang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas makalipas ang 15 taon.

Ibinahagi ito ni Ruffa sa kaniyang Instagram noong Miyerkules, Hunyo 8.

"After 15 long years apart, a beautiful reunion will finally take place in Istanbul this weekend," sey ni Ruffa sa caption na naka-upload ang isang TikTok video ng mga larawan ng kaniyang mga anak noong bata pa sila. May kalakip din itong hashtag #TogetherAgain.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nitong Biyernes, Hunyo 10, inihatid na ni Ruffa ang kaniyang mga anak sa airport para sa flight nila patungong Istanbul.

"All their bags are packed, they’re ready to go," sey niya.

"5:30am drop off for Lorin & Venice’s morning flight to Istanbul. The girls are super looking forward to reuniting with their Baba and Turkish loved ones after more than a decade.

"My cuties, have a meaningful, memorable and fun trip!Take lots of pics & videos. Better yet, vlog!I love you," dagdag pa niya.

Naghiwalay sina Ruffa at Yilmaz noong 2007 habang noong 2012 naman ang kanilang annulment.

Noong Pebrero, inalala ni Ruffa ang annulment nila ni Yilmaz sa pamamagitan ng isang tweet.

"What a bittersweet journey it has been. I now realize that not everyone is going to stay forever but I still have to keep on going and thank them for the life lessons that made me the woman I am today. No regrets, just love," sey niya at may kasama itong larawan nila ni Yilmaz na kinunan noong 2000.

https://twitter.com/iloveruffag/status/1496873307102089221