Magkakaroon na ng isang religious structure para sa mga sinasaniban o inaalihan ng masasamang espiritu sa Archdiocese of Manila, na sinimulan na ang groundbreaking noong Mayo 17, 2022.

Ang naturang 'center of exorcism' ay may pangalang Saint Michael Center for Spiritual Liberation and Exorcism, sa Guadalupe Viejo, Makati City. Ito raw ay "first of its kind in Asia, if not the world."

Ayon sa kanilang Facebook post noong Hunyo 6, dumalo sa groundbreaking sina Cardinal Jose Advincula at Fr. Francisco Syquia, direktor ng Archdiocese of Manila Office on Exorcism (AMOE).

Human-Interest

BALITrivia: Ang ‘I Love You’ na nagbigay ng trauma sa halip na kilig noon

Doon maaaring dalhin ang mga taong sinasaniban ng masasamang espiritu at mga demonyo, na kahit sa makabagong panahon ngayon ay totoo at nangyayari pa rin.

Ang akto ng exorcism ay religious practice ng pagpapalayas sa masamang espiritu, demonyo, at iba pang elementong sumasanib sa isang tao, na nagiging dahilan upang umakto at magsalita siya nang kakaiba, at maaaring makapaminsala ng kaniyang kapwa, o mismong sinasaniban.

Si Saint Michael the Archangel na isa sa mga anghel na nakaaway ng mga demonyo ayon sa Bibliya, ang magsisilbing pintakasi nito. Siya umano ang numero unong kalaban ni Lucifer o 'Satanas' sa ating wika.