Hot topic ngayon ang deklarasyon bilang 'persona non grata' sa Quezon City, kina Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas at VinCentiment director Darryl Yap, ayon sa resolusyon ni outgoing Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman, dahil umano sa pambabastos at paglapastangan sa Quezon City triangular seal, sa lumabas na campaign material para kay mayoral candidate at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, na naging epektibo nitong Martes, Hunyo 7.

Sa naturang parody campaign video, makikita ang pagganap ni Ai Ai bilang si Mayor Ligaya Delmonte. Sa likod ng background ay makikita ang QC triangular seal na may nakalagay na 'BBM-Sara'. Sina Delas Alas, Yap, at Defensor ay pawang mga tagasuporta ng UniTeam na pinangungunahan nina President-elect Bongbong Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

"The malicious and unscrupulous defacing of the official seal of Quezon City ridiculed and casted dishonor to it, causing insult to the noble representation of the seal,” ani Lagman sa isang pahayag.

“The people of Quezon City will not let anyone disgrace the official seal of Quezon City for personal and selfish interests.”

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

Iginiit din niya na “seal has been the official coat of arms of the city since it was approved by the Office of the President and adopted by the City Council on Feb. 3, 1997 through Resolution No. 10320, S-1975.”

Nagbigay naman ng reaksiyon at tugon dito ang direktor, sa pamamagitan ng panayam ng SMNI.

Wala pang tugon o reaksiyon dito ang Comedy Queen, na residente naman sa Quezon City.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/08/ai-ai-delas-alas-darryl-yap-tinuluyan-nang-maging-persona-non-grata-sa-qc/">https://balita.net.ph/2022/06/08/ai-ai-delas-alas-darryl-yap-tinuluyan-nang-maging-persona-non-grata-sa-qc/

Samantala, ano nga ba ang ibig sabihin ng terminong 'persona non grata'? Ang 'persona' ay nangangahulugang 'tao' at ang 'non grata' naman ay hindi welcome o tanggap.

Nangangahulugan, ang isang deklaradong persona non grata ay hindi tanggap o hindi welcome magtungo sa isang partikular na lalawigan o lungsod, gayundin sa mga sakop na lugar at establisyimientong nakapaloob dito, dahil sa kanilang mga nasabi o ikinilos na pinaniniwalaang nakasaling o naka-offend sa kultura o norms doon. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang aprubadong resolusyon mula sa national o local government. Karaniwan itong iginagawad sa mga dayo o hindi residente ng isang bayan.

Ayon sa abogadong si Atty. Claire Castro, sa kaniyang panayam sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM Teleradyo noong 2019, may mga pagkakataong pinagbabawalan nang pumunta sa isang lugar ang isang dayo dahil sa umano'y kawalan nito ng respeto, sa tao man o sa mismong pook, kapag persona non grata.

"Kapag ang isang tao nao-offend niya ang isang tao o lugar, minsan nagkaka-resolution ang isang lugar sa mga nakaka-offend ng culture or norms nila na magdeklara ng persona non grata," aniya.

"Parang ikaw na tinanggap namin nang buong-buo, in-offend mo 'yung feelings namin," dagdag pa ng abogado.

Subalit ayon pa sa kaniya, maaaring mabawi ang pagdeklara ng persona non grata status kung hihingi umano ng paumanhin o makikipag-areglo ang mapapatawan nito.

Ayon naman kay Atty. Gideon V. Peña, sa kaniyang tweet nitong Hunyo 8, "A declaration of a persona non grata status in the Philippines against a Filipino simply means that a person is not welcome in the place that declared such status. But it does not mean that said person cannot actually go there."

"Refer to Art. III, Sec. 6 of the Constitution," dagdag pa niya.

https://twitter.com/attygideon/status/1534370085669945345

Sa kaso nina Ai Ai at Darryl, inaprubahan ng Quezon City council ang resolusyon ni Lagman dahil umano sa hayagang pambabastos at paglapastangan sa Quezon City triangular seal na ginamit nga sa background ng kanilang campaign video para kay QC mayoral candidate Mike Defensor.

Ngunit malaking tanong ng mga netizen, paano raw magiging persona non grata si Ai Ai sa QC gayong isa siyang residente rito, kahit na nag-migrate na sila ng mister na si Gerald Sibayan sa US?

Nagsalita na rin si Lagman tungkol sa isyu sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post, Martes ng gabi, Hunyo 7.

"Hindi ba dapat lang na ideklara na persona non grata sa QC ang mga at nambastos sa seal ng QC?"

"Maybe this will make all content creators think twice before posting anything on social media such as these videos."

"That Freedom of Expression is not absolute. Hindi naman basta-basta na lang po na pwede tayo mag-post ng mga gusto natin na hindi man lang pinag-isipan nang mabuti kung ano ang mga laman ng mga pinalalabas natin sa mga tao."

"Kung ang Freedom of Expression mo ay hindi minsan nararapat--katulad ng pagsayaw mo habang pinapatugtog ang national anthem o ang paggamit sa Philippine Flag nang hindi tama, etc., huwag natin itong gawing laging rason para lang mambastos. FYI Hindi po ito laban kay President-elect BBM and Vice President-elect SARA DUTERTE."

"Ito po ay patungkol sa paglapastang sa SEAL ng Quezon City."

"Yes you are free to be expressive with your work, but not at the expense of something which QCitizens hold in high regard. Quezon City prides itself with many achievements and showcases itself through its distinct corporate seal, the triangle with the pylon of Quezon Memorial Circle. It is created based on the powers given to the city through its Charter, Commonwealth Act No. 502 and Section 22(a)(3) of the RA7160 or the Local Government Code."

"Mahal po namin ang Quezon City at ang lokal na pamahalaan nito ay aming nirerespeto. Sana kayo rin."

Iginiit din ni Lagman na hindi man siya nanalo sa kaniyang pagtakbo para sa susunod na termino ng kaniyang posisyon, ay matagal na umano siyang naka-move on.

"Opo di po ako pinalad sa akin pangatlong termino ngunit matagal na din po ako naka move on, mga two (2) weeks na. Kayo ba?"

Screengrab mula sa FB/outgoing Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman

Samantala, agad namang tumugon dito si Yap.

"Bagama't ang deklarasyong 'PERSONA NON GRATA' ay isang Resolusyon at hindi Ordinansa; walang kaakibat na batas— hindi po natin ito babale-walain; bibigyan natin ito ng pansin. Magandang Gabi po sa inyong lahat," caption ni Yap sa kaniyang quote card, na nakasaad na nag-iisp na siya at ang VinCentiment team ng magiging opisyal na pahayag, sa pamamagitan ng isang series.

Screengrab mula sa FB/Darryl Yap

May be an image of text that says 'ABANGAN PO NINYO SA MGA SUSUNOD NA ARAW ANG AKING OPISYAL NA PAHAYAG AT REAKSYON TUNGKOL SA DEKLARASYONG
Screengrab mula sa FB/Darryl Yap