Ikinatuwa ng Malacañang ang improvement ng bansa sa Covid-19 Recovery Index na iniulat ng Tokyo-based business publication, Nikkei.
“The country’s improved performance, described as “the best” by the Tokyo-based business publication, reaffirms the effective recalibration of strategies of the Philippines in addressing the COVID-19 pandemic with the shift to Alert Level System,” sabi ni Communications Secretary Martin Andanar sa isang pahayag nitong Lunes.
Ang pinahusay na pagganap, idinagdag niya, ay nagpapatunay na totoo ang diskarte ng Pilipinas na "pagbubukas ng mga hangganan ng bansa habang mahigpit na sumusunod sa mga minimum na pamantayan sa kalusugan ng publiko ng Mask, Hugas, Iwas at Airflow, at palakasin ang aming mga pagsisikap sa pagbabakuna kasama ang mga boosters."
Batay sa ulat ni Nikkei noong Hunyo 3, umakyat ang Pilipinas sa ika-33 sa Covid-19 Recovery ranking, mula sa ika-57 na puwesto noong Nobyembre 2021 at ika-121 noong Setyembre ng parehong taon.
Sinabi ni Andanar na umaasa ang gobyerno na "magpapatuloy ang trend na ito habang nananatili tayong mapagbantay sa paglitaw ng mga bagong variant habang masiglang hinahabol ang buong pagbangon ng ekonomiya."
Joseph Pedrajas