Kumpirmado nang magbabalik sa streaming giant na Netflix ang South Korean zombie apocalypse na “All Of Us Are Dead.”

Ito ang kinumpirma ng Netflix at ng casts ng matagumpay na Season 1.

“Hello everyone, it’s been a while. Thank you to the Netflix fans worldwide for giving us so much love to All Of Us Are Dead Season 1,” makikita si Yoon Chan-Young sa anunsyo ng kumpirmasyon para sa ikalawang season nitong Lunes, Hunyo 7.

“Did you hear the news?” ani Park Ji-hu.

Human-Interest

Estudyanteng naputulan ng paa dahil sa sakit, gustong magkaroon ng prosthetic leg

“All Of Us Are Dead Season 2 is confirmed. We hope you also enjoy Season 2,” saad ni Lomon.

Kagaya ng tanong ng marami ngayon, ang hirit ng aktres na si Cho Yi-Hyun, “What will happen in All Of Us Are Dead Season 2?”

Matapos basagin ng serye ang ilang rekord sa streaming platform noong Enero haggang unang linggo ng Pebrero, inasahan na ng milyun-milyong fans sa buong mundo ang ikalawang season ng zombie series.

Basahin: ‘All Of Us Are Dead,’ binasag ang unang 3-day streaming record ng ‘Squid Game’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan na nahigitan pa nito ng dalawang beses ang unang rekord ng parehong South Korean series na “Squid Game” pagdating sa streaming views.

Samantala, excited na agad ang fans sa anunsyo pa lang ng casts. Usap-usapan na rin ang teyoryang buhay ang karakter na pinagbibidahan ni Yoon Chan-Young na si Cheong-san.

Matatandaang hindi nakumpirma ang pagpanaw ni Cheong-san sa unang season, bagay na nagresulta ng maraming teyorya mula sa fans.

“The fact that Cheong-San is also returning....makes me super excited,” komento ng isang fan sa anunsyo ng casts sa YouTube channel ng "The Swoon."

“SO CHEONGSAN IS ALIVE?!?!” tanong ng isa pang fan.

“Finally, we deserve a season 2 after that ending and now we're finally having it!”

“I can't wait for it. I was having a bad mood but this news just makes my mood.”

“Cheong-san appearance proves he is still alive!! I can't wait to know how he survived!”

I really can’t wait for season 2 like this show caught my eye and had me binge-watching the whole first season.”

Samantala, wala pang detalye kung kailan sisimulan o kung nagsimula na ang produksiyon para sa ikalawang season.