Mini Cong or Viy?

Mas naging excited ang vlogger at entrepreneur na si Viy Cortez nang ipost niya ang sonogram ng kanilang first baby na si 'Kidlat.'

Ibinahagi ito ni Viy sa kaniyang Instagram. Aniya, mukhang iiyak ang anak nila ni Cong kapag walang pagkain sa ref.

Makikita kasi ang cute na cute at matabang pisngi ni Kidlat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Mukhang kailangan pa namin magsikap ng daddy mo anak.. mukhang iiyak ka pag wala tayong mga nakatagong pagkain sa ref hahahaha love you anak see you soon," ani Viy.

Sa kaniyang TikTok account naman, nag-upload ng isang video si Viy kung saan excited niyang ipinakita kay Cong ang mga pambatang sapatos para kay Kidlat. 

"Hindi ako mahilig sa Jordan pero dahil kay Kidlat mukhang kailangan ko ring bumili," saad ni Cong.

Bukod dito, mapapanood din sa TikTok ni Viy ang mga preparasyon siya sa kaniyang nalalapit na panganganak.