Kasalukuyang naghahanap ng kasambahay ang broadcast journalist at television news anchor na so Korina Sanchez-Roxas ng magiging kasambahay nito na kapareho sa palayaw ni outgoing Vice-President Maria Leonor Gerona Robredo o "Leni."

Sa uploaded video ni Korina, sinabi nitong makakasama nito ang mga kasama rin niya sa kanyang bahay na sina "Marcos" at "Ninoy," na aniya ay matalik na magkaibigan.

Ipinakilala ni Korina ang in-charge sa kanilang boxing exercise at ng pag-aalaga ng hardin na si Marcos. Samantala ang driver naman niya ay si Ninoy.

"In my household, Ninoy and Marcos are best friends," ani Korina, na sinang-ayunan naman ni Ninoy.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Kasabay rin ng pagpapakilala ni Korina sa publiko ng kanyang mga kasama na bahay ay binilhan niya ito ng mga damit, na ini-rampa nina Ninoy at Marcos.

Tampok rin sa video ang pagbili ni Korina ng mga damit kanila Marcos at Ninoy — tatlong white shirt at tatlong black shirt.

Inirampa rin nina Ninoy at Marcos ang branded na damit na binili sa kanila ni Korina.

Biro pa ni Korina, personal niyang pinili ang maluluwag na damit upand hindi makita ang tiyan ng dalawa.

"So, ang kulang na lang ay sapatos," ani Korina na sinang-ayunan naman ng kanyang kasambahay.