Matapos sumabog ang Tiktok duet ni Darren Espanto kasama ang English singer-songwriter na si Calum Scott, all-set na ang dalawang artists para sa kanilang kauna-unahang music collaboration.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Ito ang masayang ibinalita ng Kapamilya heartthrob at actor-performer sa isang Instagram update nitong Huwebes, Hunyo 2.

“Thank y’all so much for the overwhelming response on our Tiktok duet and IG live so far. I’m so excited to share that our special version of ‘Heaven’ will be all yours next Thursday, June 9 at 8pm PHT! We also have a video for y’all which’ll premiere at the same time! WATCH OUT!#CalumxDarren,” mababasa sa Instagram post ni Darren.

Ang kantang “Heaven” ay isa sa pinakahuling single ng English singer na ginawan ni Darren ng Tiktok duet entry kamakailan kung saan sa pag-uulat ay umani na ng halos dalawang milyong views.

Dahil dito, nasundan ang interaction ng dalawang singer sa isang Instagram live noong Mayo 26 at kalauna'y napag-usapan ang posibilidad ng kanilang kauna-unahang music collaboration.

Si Calum ay kilala sa kaniyang mga hit songs na “You Are The Reason,” “No Matter What” at sa kanyang version ng “Dancing On My Own.”

Sa Pilipinas, naging viral si Calum sa kanyang audition piece sa reality TV show na “Britain’s Got Talent.”

Samantala, ipinagdiwang naman kamakailan ni Darren Espanto ang kanyang ikawalong taon sa Philippine showbiz industry.

Basahin: Darren Espanto, cute na cute sa kanyang The Voice throwback photos – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid