Trending sa Twitter kamakailan ang self-proclaimed 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza dahil sa mga umano'y rebelasyon niya tungkol sa paghihiwalay nina Jason Hernandez at Moira dela Torre noong Mayo 31.

Maraming netizens ang nagsasabi na mahilig umano makisawsaw sa mga isyu si Gaza.

"Sabi sa Twitter eh bakit daw sa lahat na lang ng issue eh nakikisawsaw ako. Eh para sa'n pa na naging Pambansang Tsismoso ako kung 'di ako makikialam sa buhay ng iba? Doon kayo sa page ni Bo Sanchez kung Bible verse at good morals pala ang hanap niyo," pasaring ni Gaza sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Hunyo 1, nang magpost siya ng larawan ni Jason na may katabing lalaki sa loob ng tila eroplano.

"Dito sa account ko, walang tama at walang mali dahil ako lang ang palaging tama. Ako lang ang bida dito that's why bawal mag-comment ang publiko. Yung feelings ng ibang tao ay walang bilang dahil yung feelings ko lang ang mahalaga," dagdag pa niya.

Pasabog ni Doc Willie Ong: 'Politicians are corrupt in the Philippines!'

Sey pa niya, tigilan daw ang paglelektyur sa kaniya kung paano maging mabuting tao.

"You are dealing with a narcissistic person na medyo sociopath so stop lecturing me kung paano maging isang mabuting tao because idgaf. My life, my rules. Your life, my rules."

Samantala, may pasaring din siya sa umano'y 'righteous': "Ako pa yung pinangaralan sa Twitter. At ano namang pake ko sa morals morals na yan ha? Salamat na lang mga righteous."

Bagama’t wala namang caption at binabanggit na kahit ano, nabigyan ng malisya ang litratong ibinahagi ng'Pambansang Lalaking Marites'sa kaniyang Facebook post.

Makikita si Jason na may seatmate na lalaki sa loob ng tila eroplano. Sa suot na sweater ay nakatatak ang salitang ‘Malaya’ o ang titulo ng isa sa mga hit song ni Moira.

Lalo pang umigting ang malisya rito dahil bago niya ito ibahagi, may isa pa siyang Facebook post na ang susunod daw na kanta ni Moira ay ‘Lalaki ang Gusto’.

Gayunman ay nagsalita at nagpakilala ang naturang lalaki. Siya si Mac Meria.

“Saw this post of Xian which has become a subject of malicious speculation,” panimula ng nagpakilalang si Mac.

“Just for the sake of clarity, for those who do not know us, I am Mac Meria of Cornerstone Entertainment, Inc. I am the handler of Jason and Moira.”

Basahin ang buong pahayag:https://balita.net.ph/2022/06/02/lalaking-katabi-ni-jason-hernandez-sa-binibigyang-malisyang-litrato-nagsalita-na/