Kahapon ay tumugon na si ABS-CBN news anchor Karen Davila sa trending na video clip ng tila sarkastikong biro umano sa kaniya ni Senadora Imee Marcos, nang kapanayamin ng batikang broadcaster ang kapatid ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., sa programang 'Headstart' nitong Miyerkules, Hunyo 1.

Ang Headstart ay kilalang programa ni Karen tuwing umaga na mapapanood sa ABS-CBN News Channel.

Mapapanood sa kumakalat na video clip na akangiting ipinakilala ni Karen ang senadora sa kaniyang televiewers.

"Joining us this morning on Hot Copy, we have with us, this is gonna be a very colorful discussion. We have Senator Imee Marcos. Senator Marcos, good morning to you," pagpapakilala at pagbati ni Karen kay Sen. Imee.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Yes, good morning Karen. It’s nice to see you you’re still here in the Philippines," todo ang ngiting tugon ni Se. Imee kay Karen.

“Well, first of all, congratulations,” pagpapatuloy ni Karen, na nakangiti pa rin at composed sa sinabi sa kaniya ng senadora.

Subalit hindi pa rin nagpaawat ang senadora. “Akala ko magma-migrate ka pag nanalo ang Marcos.”

Hindi naman nagpaapekto si Karen. “Hoping always for the best for the country."

“Thank you very much. We need that UniTeam," ani Sen. Imee.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/01/karen-davila-biniro-ni-sen-imee-akala-ko-magma-migrate-ka-pag-nanalo-ang-marcos/">https://balita.net.ph/2022/06/01/karen-davila-biniro-ni-sen-imee-akala-ko-magma-migrate-ka-pag-nanalo-ang-marcos/

Sa YouTube channel naman ng ANC, ganito na umano ang panimula ni Karen sa kanilang panayam.

"Senator, first, congratulations. Congratulations to your brother, to UniTeam and to you as well.”

Sa ngayon ay nasa trending list na ang pangalan ni Karen sa Twitter world, na umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Saad naman ni Karen sa kaniyang latest Facebook post ngayong Miyerkules ng Hunyo 1, "Let me set the record straight on this one. Sen Imee Marcos on #ANCHeadstart joked about me still being in the PH after her brother’s victory to which I replied… 'ALWAYS HOPING FOR THE BEST FOR THE COUNTRY' Yan po ang sagot ko."

"Napikon po ba ako? Hindi po. Sen Imee Marcos also sent me an apology by text after the show. All good. Salamat!" paglilinaw ni Karen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/01/karen-davila-hindi-napikon-kay-sen-imee-marcos/">https://balita.net.ph/2022/06/01/karen-davila-hindi-napikon-kay-sen-imee-marcos/

Matapos nito ay nagpakawala naman siya ng isang makahulugang tweet.

"In victory, resist the temptation to gloat. Graciousness is a class act," ani Karen nitong hapon ng Hunyo 1.

https://twitter.com/RommelFLopez/status/1531984823774248960

Hindi naman tinukoy ni Karen kung para kanino ito, subalit espekulasyon ng mga netizen, mukhang kaugnay ito ng naging trending na panayam niya kay Sen. Imee.

Niretweet naman ni Karen ang post ng isang 'Rommel Lopez' na batay sa kaniyang deskripsiyon ay isang journalist din.

https://twitter.com/RommelFLopez/status/1531983545316839424

"This is the entire exchange between @iamkarendavila and Sen. Imee Marcos which the trolls are gleefully feasting on. But the problem is, they cut the part where Davila said "hoping always for the best for the country," ani Lopez.

"Marcos thanked Davila for her response and even said the country needs 'UniTeam'. That's putting the entire exchange in proper context."

"After this exchange, I looked at social media and true enough, the trolls were feasting on the exchange."