Maging ang aktor at komedyanteng si Jayson Gainza ay napagkamalang si Jason Hernandez matapos lumabas ang balitang hiwalay na ito sa kaniyang misis na si Moira dela Torre.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/31/jason-inaming-naging-unfaithful-kay-moira-celebrity-couple-hiwalay-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/31/jason-inaming-naging-unfaithful-kay-moira-celebrity-couple-hiwalay-na/

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Jayson ang isang Tiktok video na naglalaman ng mga message sa kaniya ng mga netizens. Sey ng aktor, minsan naiiyak na rin siya sa mga message ng mga ito.

"Pls lang ibang Jayson po yun minsan naiiyak na din ako sa mga message nyo. Ibang Jayson po yun," aniya.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Sey ng netizens na nagmessage sa kaniya:

"Bat naman ganun pre idol pa naman kita tapos sasaktan mo lang pala si moira."

"Totoo ba jayson na meron ka ng iba?? aminin mo!! aminin mo! aminin mooo!!!"

"Boss Jason. Bakit mo nagawa yun. Grabe. hehe"

"Ikaw ah, nakuha mo pang mag cheat kay Moira gusto mo bang gripuhan kita jan hah naku Jason masasaktan ka talaga sakin."

Marami namang ang natawa sa comment section dahil sa insidente.

Samantala, bukod kay Jayson Gainza, nabiktima rin si Jason Dy. Isa rin siya sa mga napagkamalang si Jason Hernandez.

“Hindi po ako ‘yun,” caption ni Jason Dy na nagmula sa singing competition na ‘The Voice of the Philippines’.

Ibinahagi ni Jason sa kaniyang tweet ang screengrab ng mensaheng ipinadala sa kaniya ng netizen via Instagram.

“Grabe ka Jason, nagawa mo pang mag-cheat kay Moira????? Ano bang kulang sa kaniya, hindi ka na naawa. Mga Leo talaga. Ayus-ayusin n’yo lang buhay n’yo iniiwan n’yo ng trauma ang tao!” saad ng galit na netizen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/01/jason-dy-napagkamalang-si-jason-hernandez-hindi-po-ako-yun/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/01/jason-dy-napagkamalang-si-jason-hernandez-hindi-po-ako-yun/