Tila may ‘kuda’ ulit ang batikang showbiz columnist na si Lolit Solis tungkol sa mga sweet post ng Kapuso actress na si Bea Alonzo tungkol sa jowang si Dominic Roque. Aniya, parang may gustong patunayan umano ang aktres sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Sa unang bahagi ng Instagram post ni Lolit, pinuri niya ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Aniya, iba raw umano ang appeal ng aktor. 

"Iba talaga ang appeal ni Gerald Anderson, Salve. Doble premium sa kanya iyon alam ng tao na nagawa niyang iwanan ng 2 beses si Bea Alonzo. Iyon bang lagi sa isip mo, ano meron si Gerald Anderson na hinahabol ng isang Bea Alonzo," sey niya.

Sey pa niya, para bang God gift to woman si Gerald dahil hinahabol-habol daw ni Bea. "Iniwan mo na, pero pumayag pa uli na magkaroon kayo ng relasyon, at iwan mo uli? Para bang God gift to women ang dating niya na hinahabol habol ng isang Bea Alonzo."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinatutsadahan ng batikang showbiz columnist ang mga ipinopost ng aktres sa social media. Gusto lang umano ipakita ni Bea kay Gerald na may ipinalit na ito.

"Kaya nga parang smokescreen lang lumalabas iyon Dominic Roque, tuwing makikita mo posting na sweet sa social media, para bang gusto lang ipakita ni Bea kay Gerald na may ipinalit na ako, at dagdag pogi points na naman kay Gerald dahil compare sila dalawa ni Dominic," aniya.

"Mamamalagi iyon question na why, bakit iniiwan ni Gerald Anderson si Bea Alonzo. Ano dahilan ? Ano problema ? At lagi na bawas ganda at ningning iyon para kay Bea Alonzo," dagdag pa niya.

Pasaring pa ni Lolit, ang winner daw ay si Julia Barretto na ipinalit ni Gerald kay Bea nang iwan umano niya ito.

Samantala, hindi ito ang unang beses na kumuda si Lolit sa magjowa na sina Bea at Dominic. Una na niyang sinabi na para daw kasing 'OA' na ang sweetness ng dalawa at pang mag-asawa levels na raw.

Sabi pa niya, mukhang mas ‘wild’ pa raw si Bea kaysa kay Julia na siyang itinuturong puno’t dulo ng kanilang hiwalayan noon. O kaya naman daw, baka mas mukhang showy at wild lang si Dominic kaysa kay Gerald.

“Hindi rin natin alam dahil pictures can say a thousand words di ba! Bongga nga, mas parang wild pa si Bea Alonzo kay Julia Barretto, hah hah, or hindi lang showy si Gerald Anderson at mas wild si Dominic Roque! Bongga!”

Basahin ang buong kuwento:https://balita.net.ph/2021/12/23/bea-at-dominic-oa-na-raw-parang-mas-wild-pa-si-bea-kay-julia-ah-lolit/