Isang motorcycle rider ang patay nang makasagian ng niya ang kasabayang sasakyan at humampas pa siya sa kanang gulong ng isang nakahintong dump truck sa Sta. Mesa, Manila nitong Lunes ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Kevin Daganan, nasa hustong edad at residente ng Upper Bicutan, Taguig City dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Samantala, kapwa iniimbestigahan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sinaOrlando Reyes, driver ng Hyundai Sta Fe, na may plakang UQU-451 at Danilo Miras, driver ng dump truck.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PCpl Walter Riñopa, ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD), na dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa east bound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard, kanto ng Old Sta. Mesa St., sa Sta. Mesa.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Binabaybay umano ng biktima, na lulan ng Yamaha NMax motorcyclena may plate number753 QFA, ang Ramon Magsaysay Boulevard, kasabay ang sasakyan ni Reyes, nang pagsapit sa panulukan ng Old Sta. Mesa St., ay aksidente umanong magkasagian ang dalawang sasakyan.

Dahil dito, tumagilid ang motorsiklo at pumalo sa side rear tire ng dump truck na noon ay nakahinto sa lugar.

Bumagsak sa sementadong kalsada ang biktima at nabangag ang ulo na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.