Emosyonal ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzalez sa pagtatapos ng reality show nitong Linggo, Mayo 29. May maikli siyang mensahe para kaniyang mga kaibigan na naging host din ng PBB na sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez.

"I carry us 3 with me always and most especially today," ani Bianca sa kaniyang Instagram story.

screenshot ng IG story ni Bianca Gonzalez

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

SinaBianca, Mariel, at Toni ang tatlong main hosts ng nasabing reality show at tinagurian silang "Kuya's Angels."

Unang umalis ng PBB si Mariel noong 2016 dahil sa kaniyang maselang pagbubuntis. Kamakailan, nagresign si Toni sa PBB matapos ang 16 na taon. Matatandaan na naging kontrobersyal ang kaniyang pagsuporta kina Bongbong Marcos at Sara Duterte noong panahon ng kampanya. 

Gayunman, habang isinusulat ito, wala pang reaksyon sina Toni at Mariel tungkol sa IG story ni Bianca para sa kanila.

Samantala, pagkatapos ng closing spiel ni Bianca sa Big Night nitong Linggo, agad niyang niyakap ang co-host na si Robi at hindi napigilan ang pag-iyak.

Grateful and honored naman siya na maging parte ng reality show.

“After 10 seasons throughout almost 17 years, to see people still go all the way to have their picture taken at the PBB House, to see thousands of aspiring housemates every audition… the feeling never gets old,” sey ni Bianca.

“Forever grateful and honored to be part of this,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/29/bianca-gonzalez-grateful-na-maging-parte-ng-pinoy-big-brother/