Ipinagdiriwang ngayong Linggo, Mayo 28 ang Global Menstrual Hygiene Day, isang adbokasiya na suportado ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa isang maikling Instagram video, nagpahayapyaw ng kanyang kaalaman si Pia ukol sa pagdiriwang ng MH Day.

Dito ipinaliwanag ni Pia ang 28 days na average duration ng menstrual cycle at 5 days na menstruation ng mga kababaihan bawat buwan dahilan para matapat sa Mayo 28 ang nabanggit na awareness day.

“This MH day, let’s raise awareness on menstrual health and hygiene and address issues and misconceptions surrounding menstruation altogether,” paghihikayat ni Pia.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Dagdag niya, “Alam ko na there’s still so much work to do especially in the Philippines and we are committed to address issues and misconceptions surrounding menstruation together!”

Sunod na humingi ng partisipasyon si Pia sa kanyang followers, lalo na sa mga kababaihan, na magbahagi ng kanilang karanasan sa kanilang menstrual cycle.

Hinikayat din ni Pia ang mga kalalakihan na magbahagi naman ng kanilang karanasan sa parehong usapin na maaaring nasaksihan nila sa kanilang family members, kaibigan, girlfriend, bukod sa iba pa.

“Your shared experiences will help me come up with a better strategy and messaging for this advocacy. Gusto ko talaga yung mga real stories talaga at mga scenario ang ma-address natin,” ani Pia.

Kasama ni Pia sa adbokasiya, aktibo rin sa parehong kampanya si reigning Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu.