Nagulat ang lahat sa reception ng isang newly-wed couple matapos surpresang tumugtog ang sikat na folk pop band na Ben&Ben.

Ibinahagi ng banda ang espesyal na tagpo sa kanilang Facebook page, Linggo. Mayo 29.

Sa video, mababakas ang parehong gulat at saya sa mukha ng bagong mag-asawang sina Rica Detiquez at Von Leroi Concepcion Santelices nang pumasok ang banda sa stage.

Ang tinagong surpresa, gimik pala ng magulang ng skincare mogul bride na certified “Liwanag,” tawag sa fans ng banda.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I LOVE YOU FOREVS!!!😭😭😭😭😭😭😭🤍ISA KAYO HIGHLIGHTS NG WEDDING NAMIN!!!😭😭😭😭DI PO KAMI MAKAPANIWALA!!! PANGARAP NAMIN ‘TO!!! Huhuhuhu!!!!” ani Rica sa kanyang komento sa Facebook post ng Ben&Ben.

“Kung paano sila sa YOUTUBE, SPOTIFY AT KUNG SAAN PA SILA PWEDE MAPAKINGGAN. MAS GRABE SILA SA LIVE!!! 😭😭😭😭😭NAKAKAKILABOT!!! ILY FOREVSSS! *FANGIRLING* 😭🤍🤍🤍 VON AND I ARE SO HUMBLED & SO GRATEFUL!!!” dagdag ng Ryxskin Sincerity Chief Executive Officer (CEO) & Founder.

Kinanta ng Ben&Ben ang bago nitong single na “Paninindigan Kita” at ang mega hit nitong “Araw-Araw” bukod sa iba pa.

Nitong Mayo 28, Sabado, ginanap ang espesyal na pag-iisang-dibdib nina Rica at Von.