Tinawag ng kontrobersyal na social media personality na si Valentine Rosales si Zeinab Harake na 'Zeinab Karate' matapos umanong sipain nito ang kaniyang kaibigan sa loob ng club.

"Grabe ka Zeinab Karate nanakit? Bat kailangan mo sipain yung friend ko? Wala kang karapatan! Di ka ba madaan sa maayos na usap?" sey ni Valentine sa kaniyang Facebook post noong Mayo 26.

Ayon pa kay Valentine, hindi raw umano siya papayag na inaalipusta ang kaibigan niya.

"Wag mo naman dalhin yung ugali mong yan sa loob ng club. Wala po kayo sa boxing arena para gawin yan ok? Di ako papayag na inaalipusta ang kaibigan ko."

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Usap-usapan kasi ngayon ang paninipa umano ni Zeinab sa bagong nobya ng kaniyang partner na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa tunay na buhay.

Ayon sa ulat, nagpang-abot umano sina Zeinab at ang babaeng kinilalang si Aira Mae Lipata sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City. Tinadyakan umano ni Zeinab si Aira at natumba kaagad ito. 

Plano raw kasuhan ng pamilya ni Aira si Zeinab ngunit hindi pa ito kumpirmado. Si Aira daw ang bagong apple of the eye ni Daryl. Marami umanong nakakitang netizen sa selfie nito sa bahay ng mang-aawit.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/28/zeinab-harake-sinipa-at-nakaalitan-ang-bagong-jowa-ni-skusta-clee-sa-isang-bar-sa-qc/?fbclid=IwAR00lPLXGIspc9fzDyYnia-I00UkgRFTSGHQ1mf9k1FphVYJlbGjuliRFT4" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/28/zeinab-harake-sinipa-at-nakaalitan-ang-bagong-jowa-ni-skusta-clee-sa-isang-bar-sa-qc/