Asahan muli ng mga motorista ang napipintong pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng malakihang dagdag at bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tataas ng ₱2.00 hanggang ₱2.20 ang presyo ng kada litro ng kerosene at ₱1.00 hanggang ₱1.20 naman ang inaasahang ipatong sa presyo ng diesel.

Posible namang ipatupad ang pagbaba ng presyo ng gasolina mula ₱1.70 hanggang ₱1.90 sa kada litro nito.

Ang nagbabadyang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Nitong Mayo 24, huling nagpatupad ng P3.95 na dagdag-presyo sa gasolina samantalang inirollback ng P2.45 ang kerosene at P2.30 naman sa diesel.