'Sana all!'

Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Chie Filomeno sa kanyang TikTok account ang kanyang plakadong passport photo, Mayo 27. Nag-viral ang nasabing photo matapos mapuna ng netizens ang ganda at freshness ng aktres.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa isang eklusibong panayam ng Balita Online kay Chie, sinabi niyang hindi niya inaasahan na magba-viral ang kanyang photo.

“HINDI KO NAMAN KASI INEXPECT NA MAG-VVIRAL SIYA! Gusto ko lang talaga maganda ako sa passport photo ko kasi 10 years din yan. Tsaka inspo ko ang Kardashian-Jenner, muntik na din ako magdala ng sarili kong ring light hahaha jk. Tsaka dati kasi diba webcam ang passport. Ngayon naka camera na talaga sila! Bet na bet hahaha!” Saad ni Chie.

Kasunod ng pag-viral ng kanyang passport photo, nag-post si Chie ng passport make up tutorial sa kanyang TikTok account. Nagbigay naman ang aktres ng mensahe ng tips kapag kukuha ng passport.

“Kilay is life! Yun talaga yun! Tas ‘think murder’ pag kukunan ka na photo para fierce! Sabi nga ni Megan Young ‘think murder’”

Narito naman ang ilan sa mga komentong natanggap ng aktres:=

Sa ngayon, mahigit sa 4 million views na sa TikTok ang passport photo ni Chie at mahigit 1 million views naman ang make up tutorial.