Sinagot na ng showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz ang tanong ng mga fans nina Enrique Gil at Liza Soberano o 'LizQuen' kung bakit hanggang ngayon ay walang proyekto ang loveteam.

 

Aminado si Ogie na marami ang nangbabash sa kaniya dahil wala ngang proyekto ang LizQuen. 

Dalawang taon na rin ang nakalipas mula nung huli nilang teleserye na 'Make it with You' noong 2020-- maging ang pelikula nilang 'Alone Together' noong 2019 ay hindi na rin nasundan. 

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Aniya, natakot ang dalawa dahil may pandemya. Bilang manager naman daw gusto niyang maging busy ang mga alaga niya. 

"Sa totoo lang, as a manager, gusto kong maging busy yung alaga ko. Talagang bibigyan natin yan ng pelikula lalo na marami ang pini-pitch sa LizQuen," sey ni Ogie.

"Nagkataon lang na parang hindi pa nila [LizQuen] nararamdaman yung right timing. Kaya ayaw pa nila gumawa. Tapos nabusy sila sa kanilang negosyo. Pero syempre hindi naman nila nakakalimutan yung mga fans na naghihintay sa kanila.," dagdag pa niya.

Sabi rin ng talent manager na ramdam naman daw ng LizQuen na hindi nagkulang ang ABS-CBN at Star Cinema sa pagpi-pitch sa kanila ng mga teleserye o pelikula.

Inamin mismo ni Ogie na wala ng kontrata si Liza sa ABS-CBN, Star Cinema, at Star Magic. 

Gayunman, nilinaw niya na kung gagawa pa rin ng teleserye si Liza ay sa ABS-CBN pa rin at hindi tatawid sa kabilang bakod. 

Samantala, si James Reid na ang magiging bagong manager ni Liza pagkatapos ng kontrata nito kay Ogie sa Mayo 31, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/28/ogie-diaz-malaki-ang-utang-na-loob-kay-liza-soberano-si-james-reid-na-raw-ang-bagong-manager/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/28/ogie-diaz-malaki-ang-utang-na-loob-kay-liza-soberano-si-james-reid-na-raw-ang-bagong-manager/