May simpleng patutsada si Miss Q&A Season 1 Grand Winner Juliana Parizcova Segovia sa mga 'haters' batay sa kaniyang latest Instagram post nitong Mayo 27, 2022.

Quote ito mula sa kay basketball legend Kobe Bryant.

“Haters are a good problem to have. Nobody hates the good ones.They hate the GREAT ONES”💜 -Kobe (Bryant) QueenJ ALL GLORY TO GOD," aniya sa kaniyang caption.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Without haters life is not complete?? They contribute and inspire us in our daily life, to make us strong, to do better…"

"Love the outfit @juliana_parizcova gandaaaa namamayagpag! Mabuhay ka at magpakagandah! Deserve mo 'yan."

Samantala, isang netizen naman ang nagbigay ng wish para sa kaniya. Aniya, deserve na deserve umano ni Juliana na magkaroon ng posisyon sa administrasyon ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

"Looking forward na magkaposisyon kayo sa government natin sa dami mo ba namang haters noong election, deserve na deserve mo 'yon! Kahit isang cabinet secretary position sana," hirit ng naturang netizen.

Screengrab mula sa IG/Juliana Parizcova Segovia

Samantala, wala namang tugon o reaksiyon dito si Juliana.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Juliana dahil sa hayagan niyang pagsuporta sa UniTeam, at pagganap sa mga VinCentiment series na idinirehe ni Darryl Yap.