Tinupad ni Vice President-elect Sara Duterte ang kahilingan ng kaniyang supporter nang dumalo siya sa moving up ceremony nito ngayong Biyernes, Mayo 27, sa San Carlos, Pangasinan.

Kuwento ni Duterte, nagbigay ng sulat sa kaniya ang estudyante at taga suporta niyang si Angel Mae noong kampanya sa San Carlos, Pangasinan. 

Ayon sa sulat, itinanong ni Angel kung puwede bang dumalo sa kaniyang moving up ceremony si Duterte dahil hindi pa makakauwi ang kaniyang ina na isang overseas Filipino worker (OFW).

"Si Angel Mae nakasama natin sa kampanya sa San Carlos, Pangasinan, nagbigay siya ng sulat sa akin nag-explain na kung puwede ako ang umattend sa moving-up ceremony niya dahil OFW ang nanay niya at hindi pa makauwi," anang vice president-elect sa kaniyang Facebook post.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Samantala, may mensahe naman si Inday Sara para sa mga estudyanteng nakapagtapos ngayong taon.

"Sa ating mga graduates, ang tagumpay ay laging sariling sikap natin. Congratulations sa inyo lahat!" aniya.