Bida ngayon sa lahat ng social media pages ng Grammys ang live performance ng unreleased music ni James Reid na “California Lovin.”

Parehong nagulat at proud ang fans ng Filipino-Australian actor-singer sa pagkakatampok ng brand new performance ni nito sa isang episode ng Press Play At Home sa socials ng Recording Academy.

Ang feel-good at carefree bop na kanta ay sinulat ni James kasama sina Ken Nana at Darius Coleman sa kanya ngayong pagpupursige sa kanyang music career sa Amerika.

Mapapanuod ang parehong performance ng Careless Music executive sa Facebook, Instagram at Youtube pages ng Grammys.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Na-promote din si James sa official Twitter account ng world's leading society of musical professionals.

Hindi na naging kataka-taka ang appearance ng musi producer sa kanya na ring mga bukas na plano at mga nilulutong proyekto sa Amerika.

“There’s definitely interest to really pursue music. That’s where I’m headed right now. But for now, I’m just enjoying the creative process, making music, collaborating,” ani James sa kamakailang panayam.

Pagbabahagi pa ng aktor, nananatili rin siyang single sa ngayon para ipagpatuloy ang kanyangpassion for music.

Basahin: Walang time para magka-jowa? James Reid, may kinabibisihan sa Amerika – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“I’m not really interested [with any girl] right now. I‘ve been trying to stay single for as long as possible just because there’s a lot I’m trying to do right now. I got out of a 4-year relationship so I’m just tryna do me, be happy being me for a while,” anang aktor.