Isa sa mga sumaksi sa proklamasyon kina Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Sara Duterte bilang bagong President at Vice President-elect ng Republika ng Pilipinas sa susunod na anim na taon, ang mag-asawang sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Malaki ang naging gampanin ng celebrity couple sa kampanya ng UniTeam. Si Direk Paul ang gumawa ng mga campaign ads ng partido habang si Toni naman ang nag-host ng sorties at nagtanghal din. Kasabay ng proklamasyon kahapon, inilabas niya sa kaniyang YouTube channel na 'Toni Gonzaga Studio' ang cover ng 'Roar' ni Katy Perry, na madalas niyang kantahin sa mga campaign rallies.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/25/resbak-sa-bashers-toni-g-naglabas-ng-studio-cover-ng-roar-matapos-iproklama-si-bbm/">https://balita.net.ph/2022/05/25/resbak-sa-bashers-toni-g-naglabas-ng-studio-cover-ng-roar-matapos-iproklama-si-bbm/

Isa isang video, makikitang personal na ipinakilala ni BBM ang mag-asawa sa kaniyang inang si dating First Lady Imelda Marcos.

"Lahat ng ads ko ginawa niya," sabi ni BBM patungkol kay Direk Paul Soriano.

"Si Toni naman, siya ang nagpe-perform… kawawa ito, binubugbog siya (sa social media) ng mga hindi naniniwala."

Matatandaang noong Setyembre 2021 pa lamang ay umani na ng 'cancel culture' mula sa mga netizen si Toni nang i-guest niya si BBM sa kaniyang award-winning talk show vlog na 'Toni Talks'.

Mas lalo pang umigting ang pag-cancel ng mga netizen kay Toni nang maging host siya ng proclamation rally ng UniTeam noong Pebrero sa Philippine Arena. Dito ay hayagan na niyang ipinakita ang pagsuporta sa UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/">https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/

Kinabukasan ay nagbitiw siya bilang main host ng 'Pinoy Big Brother' (PBB) sa ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng maraming taon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/">https://balita.net.ph/2022/02/08/toni-gonzaga-host-ng-proclamation-rally-ng-uniteam-nina-bbm-at-sara-sa-bulacan/

Nanindigan naman si Toni sa kaniyang ginawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/12/in-the-end-stand-up-for-what-you-believe-is-right-even-if-it-means-standing-up-alone-toni-gonzaga/">https://balita.net.ph/2022/03/05/toni-may-apela-sana-manood-pa-rin-kayo-ng-pbb-mahalin-pa-rin-natin-si-kuya-at-mga-housemates/">https://balita.net.ph/2022/03/05/toni-may-apela-sana-manood-pa-rin-kayo-ng-pbb-mahalin-pa-rin-natin-si-kuya-at-mga-housemates/

Samantala, sa isang panayam ay tahasang sinabi ni Direk Paul na handa silang tumulong sa Marcos administration kung kinakailangan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/mag-asawang-paul-soriano-at-toni-gonzaga-handang-tumulong-sa-marcos-admin-kung-kakailanganin/">https://balita.net.ph/2022/05/21/mag-asawang-paul-soriano-at-toni-gonzaga-handang-tumulong-sa-marcos-admin-kung-kakailanganin/