Nagpasalamat si senatorial hopeful Sonny Matula sa mga sumuporta sa kanya sa nakaraang eleksyon. Hindi man pinalad, naniniwala siya na dapat respetuhin ng publiko ang naging desisyon ng mayorya.

"The proclamations of presidential, vice presidential and senatorial winners had been handed. Let us respect the decision of the majority. Congrats to all the winners! Be reminded that in a democracy, the free and continuing consent of the people is necessary in governance," ani Matula.

Nag-iwan rin ng mensahe si Matula kay outgoing Vice President Leni Robredo.

Aniya, "We fell short. But, I tell you, I am proud to be with Vice President Leni Robredo and with you, who are not among 'those cold and timid souls that know neither victory nor defeat.'"

National

Castro sa pag-acquit kina Enrile sa plunder: ‘Sino mananagot sa nawalang pondo ng bayan?’

Para kay Matula, ang pakikibakang ito sa elektoral ay isa lamang sa mga porum upang bigyan ng boses ang mga manggagawa upang mapabuti ang kanilang kalagayan.

Patuloy, aniya, nilang itinaas ang agenda sa paggawa sa buong panahon ng kampanya. Ang kanilang mga tawag ay umalingawngaw sa buong bansa.

Dagdag pa niya, ang mga bagong halal na ehekutibo at mambabatas ay patuloy na kakalampagin ng kilusang manggagawa at ng kilusang panlipunan upang tugunan ang mga pangangailangan nito.

"For me, in victory or defeat in this election, our organizing, education, legal assistance and collective negotiation activities and other trade union works continue," ani Matula.

Matatandaang na naiproklama sa Kongreso, na nagsilbing National Board of Canvassers para sa 2022 elections, sina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio nitong Mayo 25.