Proud Kakampink pa rin ang mga komedyanteng sina Pokwang at K Brosas, kahit tanggap na nila ang bagong administrasyong pamumunuan nina President-elect Bongbong Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

Ipinagmamalaki umano ni Pokwang na isa siya sa mga tumindig para sa Leni-Kiko tandem, at kabahagi ng higit 15 milyong boto kay outgoing Vice President Leni Robredo, at mahigit 9 milyong boto naman para kay outgoing Senator Kiko Pangilinan.

"Kung ano man ang meron tayo ngayong administrasyon nirerespeto ko at buong pusong tinatanggap," ani Pokwang sa kaniyang tweet nitong Mayo 26.

"Ngunit nais kong ipagsigawan na ako ay proud na isa ako sa tumindig at patuloy na titindig #loudandproud #proudkakampink."

https://twitter.com/pokwang27/status/1529661556921110529

Nagkomento naman dito ang kaibigang komedyante at TV host na si K Brosas.

"Same! Labyu!"

https://twitter.com/kbrosas/status/1529667179334930432

Matatandaang naging marubdob ang pagsuporta nina Pokwang at K sa kandidatura ng Leni-Kiko tandem sa panahon ng kampanya. Tinanggap nila ang mga patutsada sa kanila ng bashers at haters dahil ang mahalaga umano sa kanila ay nasa tama ang kanilang paninindigan.