Ipinagmamalaki ng Malacañang ang Team Philippines na nakasungkit ng ikaapat na puwesto sa 31st Southeast Asian Games (SEAG) sa Hanoi, Vietnam na ginanap noong Mayo 12 hanggang 23.

“Mabuhay ang galing ng atletang Pinoy sa Hanoi. Nakapag-uwi po ang ating mga pambansang atleta ng 52 gold medals, 70 silver medals at 107 bronze medals sa pagtatapos ng Southeast Asian Games sa Vietnam. Pang-apat po ang Pilipinas sa labing-isang kalahok na bansa,” ani acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang press briefing ng Palasyo.

“Maraming-maraming salamat po sa karangalang ibinigay ninyo sa Pilipina,” saad ni Andanar.

Samantala, sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) William “Butch” Ramirez na hindi dapat ikahiya ang bansa sa kabila ng pagiging malayo nito sa 149-gold haul nito nang mag-host ito ng biennial meet noong 2019.

Eleksyon

Paglaban sa mga 'pusit,' iiwang legasiya ni Rep. Castro sa kongreso

Aniya, "Our performance in bringing home 52 gold, 70 silver, and 104 bronze medals in placing fourth overall in the medal standings was a good finish despite the various challenges our national athletes had to face amid the Covid-19 pandemic before competing in Vietnam."

Ayon pa kay Ramirez, mahal ang pagpopondo sa mga programa sa pagsasanay upang bumuo ng mga piling atleta para sa internasyonal na kompetisyon.

Dagdag pa niya, kakailanganin ng pera para sa mga coach, parehong lokal at dayuhan, airfare, transportasyon, at hotel para sa internasyonal na exposure mga atleta, kasama ang logistical support tulad ng tamang nutrisyon, sports psychology, at gamot para sa mga atleta.

Sinabi niya na ang Philippine Sports Institute ay nangangailangan ng sapat na pondo ng gobyerno upang ituloy ang mga layunin nito na i-update ang kaalaman ng bansa sa sports medicine at teknolohiya, kabilang ang pinabuting sports rehabilitation facility, sa pagsunod sa iba pang bahagi ng mundo.

Matatandaan na ang Vietnam, ang pangkalahatang kampeon, ay nakakuha ng 446 na medalya na binigyang-diin ng 205 ginto, 125 pilak, at 116 na tansong medalya.

Pumangalawa ang Thailand na may 92 ginto, 103 pilak, at 136 tanso habang pumangatlo ang Indonesia na may 69 ginto, 91 pilak, at 81 tanso.