Masayang-masaya si Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa proklamasyon kina President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte, kahapon ng Miyerkules, Mayo 26, 2022.

Isa si Ai Ai sa mga masugid na tagasuporta ng UniTeam, na kitang-kita naman sa kaniyang mga social media posts at pakikilahok sa mga campaign rally.

"It's official… congratulations po sa ating Bise Presidente VP INDAY SARA DUTERTE at sa ating Presidente ng Republika ng Pilipinas PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR. GOD bless you both. GOD bless the Philippines," ani Ai Ai sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 25.

Ipagdarasal umano ni Ai Ai ang administrasyong Marcos, kasama ng 31 milyong Pilipinong bumoto sa kanila. Ibinahagi niya ang video clip ng ambush interview kay PBBM matapos ang proklamasyon.

"Alam ko marami kaming naiiyak sa eksena na 'to , ako naiyak ako… ipag-pray ko kayo parati Mr. President BBM… kaming mag-asawa at ang 31 milyon na bumoto sa inyo ni VP Inday Sara Duterte, we wish you well, kasama n'yo kami tutulong sa pagdadasal para sa inyo… MABUHAY ANG PILIPINAS!"

Kapansin-pansing ginamit ni Ai Ai ang mga hashtags na #ilangtaonginapi, #mapaladanginaapi, #itinataasanginaapi, at #GODalwaysgivesusthebest.