Itatalaga si Atty. Trixie Angeles bilang hepe ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pag-upo ni Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. bilang Pangulo ng Pilipinas.
Sa isang panayam, binanggit ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, tinanggap na ni Angeles ang nominasyon na maging press secretary.
Kabilang sa magiging tungkulin ni Angeles ang pagtutok sa operasyon ng PCOO at pagsasagawa ng regular na press briefing sa mga mamamahayag na nakatalaga sa Malacañang.
"I am grateful for the opportunity I am given to take part in the administration of President Bongbong Marcos as his Press Secretary. It is with humility that I accept the nomination and assume the responsibility of running the affairs of the PCOO," pahayag pa ni Angeles.