'Chumi-cheap' na raw at 'wala ng class' ang mga content ni Toni Gonzaga sa kaniyang talkshow na 'Toni Talks,' ayon sa self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza.

Sa Mother's Day special ng Toni Talks, inimbitahan ang mga YouTube vloggers na sina Zeinab Harake, Viy Cortez, at ang huli ay ang kontrobersyal na si Toni Fowler.

Unang umere ang interview ni Zeinab noong Mayo 8, sinundan ni Viy noong Mayo 15, at nito lamang Linggo, Mayo 22, umere ang interview ni Toni Fowler.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/23/toni-fowler-pinapatawad-mga-ex-jowa-kaysa-makaaway-dati-kong-chinuchu-mga-yan-eh/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/23/toni-fowler-pinapatawad-mga-ex-jowa-kaysa-makaaway-dati-kong-chinuchu-mga-yan-eh/

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class. Yucks," ani Xian nitong Martes, Mayo 24, dalawang araw matapos umere ang interview ni Toni Fowler.

"Nagsanib pwersa na yung mga walang mai-content. Ginawa na nilang content ang isa't-isa," seypa niya.

Pinuri naman niya si Toni Gonzaga dahil nasasabayanumano nito ang agos ng social media.

"Pero infairness, magaling si Toni. Sinasabayan niya yung agos ng social media para bahain ng views yung channel niya. Bumagsak nga lang yung value ng "Toni Talks" branding niya. Yun lang.

"From high-class national talk show to low-class vlog channel. Kahit Kakampink ako eh mas gugustuhin ko pa yung mga BBM moments niya noon kahit maraming haters. Ibang level. To the highest level. Malakas ang dating. Solid talk show," saad pa ng self-proclaimed Pambansang Marites.

Dagdag pa ni Xian, inuna umano ang social media mileage kaysa sa quality."Ngayon eh nagmukhang hybrid ni Charo Santos at Korina Sanchez ampucha. Cheapipay pa ng mga gine-guest. Na-prioritize yung socmed mileage over brand quality."

Tila disappointed si Xian sa kinalabasan umano ng Toni Talks.

"Sabi ko pa naman before elections "Ang galing ni Toni. Petmalu ng mga content. Sobrang bigatin ng mga iniinterview. Very relevant sa buong bansa. Siya na ang bagong Queen of Talk Show ng Pilipinas! Pawer!" Anyare..."

Tatlong taon na rin ang nakalipas mula nang inanunsyo ni Toni Gonzaga na magkakaroon siya ng sariling YouTube channel matapos mahikayat din ng kaniyang kapatid na si Alex Gonzaga. 

Samantala, tila nagsuggest pa si Xian kung sino ang susunod na i-guest. "NEXT GUEST: Rob Moya." 

Usap-usapan sa social media kamakailan sina Rob Moya, Toni Fowler, at Vince Flores.

Ibinahagi ni Toni Fowler na finally ay sinagot na rin niya ang kaniyang manliligaw na si Tito Vince.

Ibinahagi ni Vince sa kaniyang vlog noong Mayo 15 ang ginawa niyang proposal kay Toni, na naging kontrobersyal ang buhay-pag-ibig dahil sa kaniyang ex-boyfriend na si Rob Moya na nagtangkang muli siyang suyuin.

Samantala, si Rob naman ay nagpo-post ng mga cryptic post sa kaniyang Facebook account tungkol sa pagmo-move on.

“Need a break… Bakasyon muna tayo… See you, Bicol and Sorsogon!” ayon sa kaniyang latest FB post.

Matatandaang naging viral ang video kung saan itinapon ni Toni sa mukha niya ang singsing na inialay ni Rob sa ex upang muling hingin ang pag-ibig nito.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/17/toni-fowler-at-vince-flores-opisyal-nang-mag-jowa-rob-moya-etsa-puwera-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/17/toni-fowler-at-vince-flores-opisyal-nang-mag-jowa-rob-moya-etsa-puwera-na/

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/05/23/toni-fowler-umaming-naging-pakawala-hinarap-ang-kinasangkutang-kontrobersiya-noong-2016/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/23/toni-fowler-umaming-naging-pakawala-hinarap-ang-kinasangkutang-kontrobersiya-noong-2016/